Feb 22, 2022

Mark Anthony Villote Mark Anthony Villote

A million miles started with a single step.” I started my journey when I graduated from my 3 years of academic studies at St. Therese - MTC Colleges way back in 2013. Lumuwas na agad ako ng Manila pagkatapos kong makumpleto ang mga travel documents at training ko para makahanap ng company dala-dala ang pag-asa na makakasampa agad sa international vessel. Since hindi pala ganoon kadali iyon, natapos lang ang taon sa kakaikot sa mga maritime company para mag-apply. Wala pa ding tumanggap sa akin kasi nga daw walang akong backer at experience. At minsan, hanggang guardya nalang at di na makapasok. “No backer, no entry.” Umuwi muna ako sa Iloilo bago matapos ang taon na dismayado at malungkot dahil halos sa loob ng isang taon na pag aapply ko ay walang nangyari. Taong 2014, bagong taon noon, bumalik ako sa Manila at nagsimula ulit mag-apply hanggang napilitan na lang mag domestic/interisland. Nag-cadet muna ako sa interisland for fifteen months. After cadetship, kumuha ako ng exam for OIC. Mabuti naman pumasa ako.  Sabi ko sa sarili ko, meron na akong lisensya at may experience na ako. Marami nang tatanggap sa akin. But I was wrong, hirap pa din mag-apply at hinahanapan ka pa din ng backer at international experience. Haay, naku buhay! Anyway, patuloy pa rin ako sa pag-a-apply until I found Agile Maritime Resources.  Tinawagan ako for interview. And I was so happy when I got accepted as a cadet. Tinangap ko na basta makapag-international vessel ako. Almost eight months akong naging cadet bago ako nakasamapa ng international vessel.  Year 2017 was my first vessel in Agile as an ORDINARY SEAMAN.  I was blessed with the Agile crew on board for they share their expertise and professionalism and pushes me to learn. By God’s grace, I became a fourth officer with their guidance. Now, I am currently on board as a fourth officer. I am so grateful to Agile for giving the opportunity sa mga katulad kong walang backer. Sipag, tiyaga at mahabang mahabang pisi ng pasensiya lang. Salamat din sa agile crew, staff at whole agile family along the way of my voyage. Thank you so much!